Tagalog Jokes - "cute moments with you."

I wanna have cute moments with you.

Yung tipong magtititigan lang tayo, tapos magpapacute ako sayo para mapangiti kita. Kikindatan mo ako. Kukuritin ang pisngi. At magkikilitiian. Yung tipong wala tayong pakialam kung nagmumukha na tayong tanga dahil sa paningin nating dalawa, ang cute natin. Yung magsheshare tayo ng earphones, sabay kakanta o kaya sasayaw. Hanggnag sa mauuwi ulit sa titigan at pagpapacute ko. Paulitulit lang pero masaya tayo. Paulitulit lang pero kompleto na yung araw natin. Kasi magkasama tayo. At bago tayo umuwi, kukunan natin ng litrato ang isa’t isa. Pacute, seryoso at wacky pictures. Mga litratong ihahanay natin dun sa mga una pa nating nakunan para pagdating ng panahon, maalala natin yung mga oras na ang cute cute natin pag magkasama.

0 comments:

Post a Comment