Evolution of music
Evolution of music ng buhay ko,
Kinder 1 ako nahilig ako sa kanta ni lou vega, favorite ko ang kantang mambo no. 5 at angelina, na paulit ulit na pinapatugtog sa casette tape, sabay papakinggan din ang kantang “IM A BIG BIG MAN, IM A BIG BIG MAN”,
pag dating naman ng grade 1, nahawa ako sa utol ko sa pag kinig ng LIMP BIZKIT, na ROLLIN ROLLIN yung utak ko don, nag red hot chilli pepper, walang kamatayang californication, sinabayan ng tape ni michael V na may kantang sinaktan mo ang puso ko, at kung ano ano pang cinover na foreign songs na tinagalog.
Grade 2 - 6, dun na nag simula ang buhay ng gangster kuno, nakinig ng salbakuta, nahumaling sa kantang STUPID LOVE ” MAHAL KITA SISIRIN MO KUBETA STUPEYD! ” Nakinig ng death threat pa sumpa supa kapa, at na pa submarine ni andrew E, bumili ng napakalaking FUBU at DICKIES na damit, RRJ na pants, dickies na shorts,
1st year highschool ng namulat sa pagiging PUNKISTA kuno, may isang damukal na gomang itim sa kamay kabilaan pa, puro itim na damit na may mga print ng mga pangalan ng banda or picture ng album nila, bumili ng parang sling bag na tela, na nilalagyan ng STUD, na galing sa stud belt, tatahian ng patches, nang hiram ng kulduroy sa nanay ko, bumili ng kulduroy, sapatos na checkerd, at malibag na gel sa buhok, at nakikipag slamman pag may battle of the bands sa school at sumisigaw ng paulit ulit ng PUNKS NOT DEAD, pero na deads din bandang huli medyo dinadamdam ko din pala paminsan pag sinasabihan akong POSER, kahit poser naman talaga ako.
2nd year to 3rd year highschool, na impluwensyahan naman ako ng pagiging emo boy, dahil sa mga tropa kong nag babanda, pinahiram ako ng CD ng typecast, at naging favorite ko ang kantang LAST TIME, na sumisimangot pa yung muka ko pag kinakanta ko to, medyo pormahang punks not dead din ito, pinag kaibahan lang e yung pagiging one side, pinapahaba yung bangs, tapos tirik tirik yung buhok sa likod, nakakahiya nga mag pagupit non e, yung katabi ko sasabihin 2x3 tapos sasabihin ko EMO CUT, parang gago lang, iiling iling pako non saka ko sasabihin sa mahinang boses. Gamit na gamit yung bangs ko kaka headbang, sa kanta ng silverstein, chiodos na nakita ko lang don sa emo sa computer shop, pinahiram din ako ng CD na saosin, talagang napa 3rd measurement in C ako,at pasensya na sa pinto ng sala na na isslam ko dahil sa kantang seven years Naging favorite ko din pala yung TBS, hindi yung true brown style, yung taking back sunday. Nauwi pa pala ako sa punyetang secondhandserenade na ginamit ko pa bilang YAHOO ID ko para sa facebook na “secondhandserenade96@yahoo.com” At ang bumasag sa vocalcords ko na VINDICATED na kanta ng dashboard na pilit kong sinasabayan.
4th year highschool, nawala na ang emo cut ko, boy 2x3 na ulit ako, medyo nakinig ako kay marilyn manson, rebel rebel bitch bitch, rebel rebel party party, tinawag ko nadin ang aking personal jesus sa kanta, binigyan din ako ng metal na tugtugin, isa na dito ang hammerfall at hindi ko na alam yung iba, pinapakinig sakin ng tropa kong metal na mahilig sa hentai, na paminsan e biglang nag sasalita ng japanese at sumasabay sa mga anime japanese songs, parang gago din. 1st year college, rumeggae ako, pero napalitan saglit ng RNB, dahil sa isa ko namang tropang party peeps, pumitbull, ne-yo,chris brown, lil wayne, far east movement, at ang walang kamatayang patron tequila na paulit ulit sa club, wasak din lalamunan ko kaka sabay kay lil john “YEAAH! UHUHHH! WHUUUUT!!” inipit ipit ang boses para magaya lang si lil wayne, at gumangsta rap para maging S - N DOUBLE O - P - D - O - DOUBLE G. Nakaranas din ng pang bading na kanta, FASHIONISTA how do you look? Nabanggit na lahat ng fashion brands e wala naman ako non, hindi manlang nag banggit ng havaianas sa kanta, para meron ako.
Umindak sa like a G6, Go girl, bass down low, at ang animal na teach me how to dougie., hindi ko makakalamutan ang pag teteach me how to dougie ko sa YOOHOO sa metrowalk, dahil sa kantyawang DOUGIE BATTLE KUNO, para kaming mga tanga don, feel na feel sa pag sayaw para naman kaming nag mamacarena lang, naalala ko pa yung nag inom din kami sa central sa may boni ata yon, tumugtog nanaman ang walang kamatayang teach me how to dougie, sabay sayaw ng mga waiter na mala XB GENSAN ang dance moves akala mo mga nigga whut sa galing, kantyaw nanaman ang tropa na maki dougie, ayon para nanaman akong tanga, sumunod naman sya so dahil mag tropa kami, pareho kami ng dance move, kami naman ang XB PINSAN, hindi naman kami pang teach me how to dougie, pang oggie doggy ata kame.
2nd year college hanggang ngayon, stable na ako sa reggaeman, nakaka chill kasi, pampatanggal ng badvibes, at pampagoodvibes ba, medyo iwas lang ako sa iba na medyo sumobra sa pagkareggae pag local band, na BRA BRA BRA PQOWJEOQWE APAPAPAY YAHMAN JAHMAN OQWEEA ISEEEN NAMEAAN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment