Tagalog Jokes - "nakiki HAPPY 420"

Paano ko kayo ipag lalaban?
Paano, paano ko kayo ipag lalaban, ako’y baguhan panga-lang sa inyong larangan salat pa nga ang kaalaman tungkol dito sa mahiwagang halaman, bagkos ito nga’y aking ginagamit para lang sa kasiyahan.

Paano ko kayo ipag lalaban sa mga mapang matang tao, sa kada tanong nila kung anong dulot nito, laging sagot ko’y pampagaling ng sakit na cancer at ubo, hindi ko manlang maipaliwanag yung iba pang importanteng tulong nito.

Isa din ako sa mga nakiki like ng pages, nakiki HAPPY 420 tuwing abril isa din sa mga taong sumisigaw na gawing legal ang marijuana, pero ayokong lumaban ng walang alam, yung lumalaban ng gawin itong legal para sa pang sariling kasiyahan lang, gusto kong lumaban na may kargada ang utak, na alam ang tunay na halaga para saakin ay walang hahadlang o tutulak.

0 comments:

Post a Comment