Tagalog Jokes - "Okay lang"

Okay lang naman sa ‘kin kung hindi na ako yung mahal mo. Ang ayoko ko lang na ipapamukha mo sa ‘kin na wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Nasasaktan ako hindi dahil sa hindi na tayo tulad ng dati kundi dahil sa naawa ako sa sarili ko dahil ramdam ko na parang hinuhusgahan na ako ng mga tao, na parang alam nila ang lahat. Never akong umimik kasi ayoko nang lumala. Ako na umiiwas para di ka na rin umasa. Galit ako sa’yo kasi sinubukan lang kita, bumigay ka na. Pinairal mo pa rin prinsipyo mo at ako yung nagmumukhang mali at kawawa. Galit ako sa’yo. Di na tulad ng dati yung nararamdaman ko. Hindi ako tulad mo, alam ko kung kelan at saan ako lulugar.

0 comments:

Post a Comment