Tagalog Jokes - "Pagpapahalaga"

Kailangan mong bitawan ang mga bagay na hindi naman dapat tumagal o hindi naman dapat sayo. Mahirap kalabanin ang tadhana kaya dapat mo ng bitawan kahit masakit. Kahit masakit na iwan mo siya o layuan. Kailangan mong gawin dahil hahanap at hahanap ng paraan ang tadhana para hindi kayo magpag isa. Kapag hindi kayo ang nakatadhana, hindi talaga kayo at matatapos din kayo agad. Kahit sobrang tagal niyo na sa isang relasyon tapos hindi naman pala kayo ang nakatadhana sa isa’t isa, wala pa din yang relasyon niyo kundi may katapusan padin yan. Kahit sobrang ingiingatan niyo ang isang relasyon kapag hindi kayo ang dapat magsama, may isang mangyayari tapos aabot kayo sa puntong hiwalayan.

Kailangan mong tanggapin na lahat may hangganan na lahat ng hindi para sayo ay mawawala. Kung temporary lang sa buhay mo ang isang taong sobrang importante sayo mawawala at mawawala siya sa buhay mo dahil may ibang taong nakalaan para sayo. Kahit yung mga kaibigan mo, hindi maiiwasan na may isang umalis sa kanila at talikuran kana. Hindi naman sa lahat ng panahon pwede silang mag stay sa buhay mo dahil mas may nakalaang iba para sayo. Kailangan mo lang tanggapin na lahat ng bagay na hindi para sayo, mawawala at mawawala yan sayo. May mga bagay talaga na temporary lang sa buhay mo at hindi sila magtatagal. May mga taong dadaan lang sa buhay mo o magiging parte na ng buhay mo pero mawawala at mawawala padin sila sayo pero yung alala niyo hindi mawawala. Kasi kung hindi mo sila kayang i give up hindi mo makikilala yung taong para sayo talaga o yung mga taong dapat magtagal talaga sa buhay mo.

0 comments:

Post a Comment