Tagalog Jokes - "A walk to remember"


Biglang umulan ng malakas habang nasaGA kami ng Literary Society sa CFAD. So ayun, wala kaming kamalay malay na bumabaha na pala. Paglabas namin ng CFAD ang daming tubig so no choice sa field kami dumaan. Grabe yung putik pero dedma lang. Nahugasan din naman yung paa namin kasi habang papunta kamisa gitna ng field palalim ng palalim yung tubig tho, hindi naman abot tuhod. So ayun nakalagpas na kami sa field, tapos andun na kami sa plaza mayor, grabe naging parking lot. Dun nakapark mga sasakyan. So lakad ulit kami papuntang Dapitan dun kami dumaan sa bldg namin and baha din. grabe yung sapatos ko pinasok na ng tubig. hahaha

Ang saya lang. Haha. Binaha na masaya pa? Wala eh, first time ko maexperience yung baha. Feel ko tuloy certified thomasian na ako. Nabinyagan na eh. Hahaha. 

0 comments:

Post a Comment