Tagalog Jokes - "GAME ADDICT NA BATA"


NANAY: Hoy Putchoy! Ikaw bata ka wala k nang ginawa maghapon dito sa bahay kundi ang magpipindot dyan sa harap ng Computer mo! Halika nga dito!

PUTCHOY: Nay ito n naman ba tayo ulit?! Nakakasawa na! Palibhasa d nyo alam kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan ko. Nagkanda kuba ako sa kakakayod at kakatanim sa “FarmVille”maghapon para lng mapalago ang mga tanim ko! Ilang gyera na rin ang sinabak ko sa “Counter-Strike” at “DOTA”! Nakipagkarera ako para lng sa kahirapan ng buhay sa “Need for Speed”! Ilang beses nabugbog sa “SmackDown” ng mga kalaban pero kahit papaano nakatayo pa rin. Nasubukan ko na ring makipaglaban sa mga kampon ng kadiliman sa “Resident Evil”! Tumawid sa dagat dagatang apoy para lng mailigtas ang isang prinsesa sa “Supermario”! Nagawa ko rin isugal ang buhay ko sa “Solitaire”! Halos mamatay na ako sa kakatapak ng bomba sa “Minesweeper” at madaming gubat na rin ang aking natahak sa “Temple Run”! Ano pa ba ang gusto nyo?! Hindi pa ba sapat lahat ng yun para sa inyo?!

NANAY: Hoy! Anong pnagsasabi mo?! Hindi pa ako tapos. Sabi ko halika dito at itapon mo itong mga basura natin doon sa labas ng bahay kasi nga hindi ko mabuhat! Mahirap bang gawin yon?! Ang sabihin mo tinatamad ka lang!

PUTCHOY: Cenxa n nay. Medyo stress lng me kanina. Wala pa kc akong tulog eh. Ito na nga po itatapon ko na ung basura. Wala na po b kayong idadagdag? Sabihin nyo lng kung meron pa at kukunin ko.

-Tatapon din pla eh. Dami pa satsat. HAHAHAHA! :D

0 comments:

Post a Comment