Tagalog Jokes - "Mga Crushes at Kalandian."

Mga Crushes at Kalandian.
im sure naman lahat tayo nakaranas na magkaroon ng crush dba? Celeb man yan or childhood eklabu, classmate, batchmate, schoolmate,blockmate, officemate,coffeemate (hahaha) lahat ng may -mate basta, masarap sa pakiramdam kiligin diba? yung tipong nginitian ka lang nya, SHET! buo na araw mo… sabay yung nginitian nya pala yung taong nasa likod mo…pero okay lang yun teh! atleast ,mentally nagsmile sya sayo!


yung mga moments na binubuking ka ng mga kaibigan mo sa crush mo, SHEET NAKAKAINIS! Nilayuan ka tuloy ni crush :C aww, laslas na teh!


Yung mga moments na kunwari diring-diri ka sa crush mo kapag tumatabi sya sayo, pero deep inside Gustong gusto. hehehe aminin!

haha. naalala ko tuloy dati nung elementary days ko pa, may crush ako, yung tipong kahit binubully nya ko, okay lang. kasi tabachingching ako nun eh. yung tipong pinapaglantaran nya pa sa buong school, “AAAHH BABOY! BABOY!” pero instead na magalit ako, kinikilig pa nga ako eh hahaha yung tipong ginagawa nya akong banko sa kakautang, kahit na magutom ako sa school okay lang! para kay crush naman eh. hahaha punyaterang yun oh. ang bata bata pa marunong nang perahan yung taong may gusto sa kanya. tanga ko naman, ako naman tong si bigay. hahahha

tapos dati nung grade 5 ako, naglaro kami ng pass the ring sa school, tapos si crush katabi ko, SHEEET EDI HOLDING HANDS! YAAAY! woohoo! nung una knwari pa akong EWWW! EWW! TEACHER NAMAN EH! YAAK! pero deep inside, SIGE LANG! TAGALAN PA NATIN YUNG LARO! hihihi SANA WAG MAG DISMISSAL!

tapos yung mga moments na lahat iniistalk mo, lahat ng social networking site accounts nya alam mo! specially facebook! HAHAHA! LAHAT NG PICTURES! tinititigan hanggang sa matunaw! Pati yung mga shirtless pics nung summer pagnanasaan pangalan ng nanay, tatay, pinsan, lolo, lola, mga ex , sinesearch! parang tanga lang. lahat hinuhukay! tapos pag may nakitang kalandian si crush sa facebook, magddrama, post post ng picture sa instagram na nag eemo with caption pang lyrics ng mga kantang pang jologs na about heartbreaks! WAHAHAHA

tapos kapag may school events tapos mag competition si crush, TODO SUPPORT! HALA SIGE! MAGWALA NA! LABAS PATI ESOPHAGUS KAKACHEER! hahaha langya.

tapos kapag walang magawa sa classroom, kunwari nagtetext, pero pipicturan pala si crush. hahaha

tapos minsan kapag nakipag landian sayo si crush, tuwang tuwa ka na! smile abot tenga, tapos pag nagsmile back sya, SHET, makalaglag pan— feeling mo sasabog ka na.„yung tipong sinasabi ng utak mo, HUWAG MO ITIGIL PLEASE! hihihi ..yung FEELING (ayan ah NAKA capslock na, BOLD pa, NAKA UNDERLINE PA!) mo crush ka din nya, pero, that landian means nothing to him/her pala. aguuyyy!


nakakatuwang baliktan yung mga moments na ganun no? yung tipong mapapaisip ka, shet, ganun ba talaga ako kabaliw? tapos matatawa ka nalang sa mga katangahang ginawa mo. minsan pa nga, kapag nakita mo yung ex crush mo, matatawa ka nalang, HAHAHA TANG INUMIN! NAGING CRUSH KO PALA TONG KUPAL NA TO? haha. haaay. kabataan nga naman oh. ;) 

0 comments:

Post a Comment