Tagalog Jokes - "Pasyal"

Pinasyal ni Diego ang kanyang kabit sa Sta. Mesa...

Kabit: Sweetheart, gusto ko ang balbas mo, pero mas gwapo ka siguro kung aahitin mo...

Diego: Sweetheart, alam mo namang guston- gusto ng asawa kong himasin lagi ang balbas ko. Kaya pag inahit ko ito siguradong papatayin niya ako!

Kabit: Sige na, sweetie plis? Gusto kong makita kang walang balbas...

Diego: Hindi talaga pwede sweetie... malalagot ako sa asawa ko...

Pinilit muli ng kabit si Diego, kaya sumuko rin siya at inahit ang balbas. Kinagabihan, pag-uwi sa asawa niya sa Makati, dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at habang natutulog ang asawa niya sa dilim , humiga siya sa tabi niya.

Biglang nagising ang asawa niya at hinimas ang mukha ni bagong ahit na mukha ni Diego! Nagulat na lamang siya ng sinabi ni misis na: "Oh, Miguel, bakit nandito ka? Alam mo namang uuwi na ang asawa ko!"

0 comments:

Post a Comment