Tagalog Jokes - "SA GRUPO"

SA GRUPO MAYROONG :
Leader
|- Sila yung laging gumagawa ng settings, time, at plan ng group. Sila yung laging may idea. Sila yung laging nasusunod kasi sila yung in-assign ng teacher.

Idea Giver
- sila yung mga artistic, laging may idea at plan. Sila yung laging kasama ng leader kasi lagi mutual ang iniisip nila, at pareho sila nang layunin na magkaroon ng maayos at magandang outcome. Sila yung taong lagi pinag-aagawan.

Followers
- Sila yung tipo ng groupmates na sunod ng sunod lang. Kahit anong sabihin ng leader okay lang, kasi minsan ayaw niya nang kumontra kasi baka magkagulo lang, o kaya naman sumusunod na lang sila kasi yun na lang ang matutulong nila.

Quiet
- sila yung laging present pero absent ang presence, sila yung mga nasa gilid lang at may ibang mundo. Sila yung tatanungin mo kung anong sinabi mo dahil hindi sila nakikinig. Medyo related sila sa mga Followers, dahil sinusunod lang nila yung mga sinasabi ng Leader.

Late Comers
- Sila yung huling dumadating, sila yung may magagandang idea kaso hindi nasusunod kasi hindi sila yung leader saka wala silang karapatan kasi nagawa na yung plano at mahirap magsimula ulit. Sila yung mga taong nasasabihan ng “Dapat kanina ka pa nandito para kanina mo pa nasabi”.

Nuisance
- in tagalog “asungot”, sila yung panggulo lang, sila yung mga maiingay at laging hindi sumusunod. Sila yung mga pasaway.

Joker
- medyo konektado sila sa mga Nuisance, pero in a funny way, sila yung mga gumagawa ng segway para magpatawa. Sila yung dahilan kung bakit entertaining, hindi boring at ang sarap panuorin ng presentation.

Antagonists
- ang kontrabida, sila yung laging may reklamo at against sa leader, may iba silang idea kaya ganun, o kaya naman hindi nila gusto ang idea. Ganun pa man, sila yung nakakatulong para maiayos yung presentation kasi sila ang nakakapansin ng mali at hindi magagandang bagay.

Explorer
- sila yung after gumala ayaw pa umuwi at gusto muna magbahay-bahay. Sila yung tumatakas sa mga gawaing bahay o kaya naman walang magawa sa bahay.

Always absent -
Mga may strict na parents at laging hindi pinapayagan, dahil baka gumala lang daw ito, o kaya naman masyadong secure ang parents na baka hindi safe ang lugar na pupuntahan nito.

Mga tinatamad,
sila yung mas gusto pang magDotA/computer kaysa pumunta sa practice, sila yung laging walang alam at walang interes sa presentation. Sila yung laging hindi alam ang partisipasyon at nag-aabsent na lang sa araw ng presentasyon.

Mga busy o kaya naman may excuse letter,
yung mga hindi makakapunta kasi may work, may review, may pupuntahan, at iba pa. Sila yung mga text ng text ng “Sorry hindi ako makakapunta, babawi na lang ako sa susunod”. Absent man sila, nagpapakita pa rin naman sila ng interes at may natutulong parin sila sa group presentation dahil alam nila yung gagawin nila with the help of text and internet, at maaga silang pumapasok o pumunta sa araw ng presentation para paghandaan ang part nila.

Rich kid
- sila yung mga kaklase mong sagot ang bahay ng pagprapraktisan at ang meryanda niyo. Sila yung may mga WiFi sa bahay, at may gadget pangresearch at selfie. Sila laging sagot o nagaabuna sa mga group expenses.

0 comments:

Post a Comment