Tagalog Jokes - "tumataba"

GF: tumataba ba ako?

BF: wala akong ibang babae!

GF: tangina ka, nadulas ka ba? anong klaseng sagot yan???

BF: kasi tinanong mo ako kung tumaba ka, tapos sasabihin ko na hindi, tapos sasabihin mong sinungaling ako at bolero, tapos pipilitin mo akong aminin sayo na tumaba ka, tapos sasabihin kong “oo tumaba ka”, tapos magagalit ka, tapos sasabihin mong nagbago na ako, tapos sasagot ako na nahihibang ka nanaman, tapos sasabihin mong hindi na kita mahal, tapos iiyak ka na, tapos sasabihan kita na mahal kita, tapos yayakapin kita, tapos itutulak mo ako at sasabihin mong wag kita hawakan, tapos mauuwi ito lahat sa sasabihin mong “siguro may iba akong babae”… kaya dumerecho na ako sa sa dulo

0 comments:

Post a Comment