Tagalog Jokes - "Asintado"


Panay ang pagyayabang ni Juan sa guide niya na asintado siya sa hunting. Pagdating sa gubat, nakita niya ang isang baboy damo at agad binaril.
Nagkamot ng ulo ang guide dahil sablay si Juan. Palusot ni Juan na napuwing ang mata niya. Para patunayan ang yabang niya, binaril ang mga ibong lumilipad ng nakapikit ang mga mata niya. Nang mamulat ang mga mata niya at walang makitang bumagsak na ibon sabi niya, “Pambihira pala mga ibon dito sa inyo, may tama na, nakakalipad pa rin!

0 comments:

Post a Comment