Tagalog Jokes - "Pag nakakarinig ka ng love songs"

Yung feeling pag nakakarinig ka ng love songs.
Alam mo yun, pag nakikinig ka ng love songs e bigla mo nalang mamimiss yung ex lover mo. Biglang mag fflashback lahat ng nangyari sainyo noon, lahat ng kasweetan, tampuhan, yung mga dates nyo e maalala mo.

Pero ako paminsan pag nakaka dinig ng love songs, iniisip ko na sana kami pa na habang tumutugtog yung love song na yon e kasama ko sya.

Nag iimagine ako na kunyari kami pa, kunyari ang saya namin, kunyari nag dadate kami. Nag iimagine ako na sana ganto yung nangyari.

Sa 3 to 4 minutes na pag i-imagine ko nagiging akin ka ulet. Sa 3 to 4 minutes na love song na yon e napasaya kita.

Kaso pag tapos ng love song na yon, tatanggapin mo nanaman yung katotohanan na wala na sya.

0 comments:

Post a Comment