Paano mo mararating yang forever na yan kung palagi kang gumagawa ng paraan para mag away kayo? Ung kahit gano pa kahigpit ang hawak niya sa kamay mo hindi mo pa din maramdaman ung presensya niya, ung kahit gano siya kadaldal at halos ikwento niya na sayo lahat ng detalye hindi mo pa din marinig ung boses niya, ung kahit gano siya paulit ulit na ikaw lang ung mahal niya hindi mo maramdaman ung katotohanan sa boses niya, ung kahit gano karami ka niyang halikan hindi mo maramdaman ung pagmamahal. Kasi mas nananaig ung pagaalinlangan sa puso mo at ung takot na baka nga totoo lahat ng mga naiisip mo.
Akala ko ba hindi niyo hahayaan ang kahit anong bagay o tao na sumira sainyo?
Akala ko ba hindi niyo hahayaan ang kahit anong bagay o tao na sumira sainyo?
0 comments:
Post a Comment